Mga police officials na sangkot sa droga emosyonal na humarap sa PNP Chief

By Ruel Perez July 06, 2016 - 02:51 PM

bato Drugs2
Ruel Perez

Kinumpirma ni Philippine National Police Chief Ronald “Bato” dela Rosa na nagpakita na nga sa kanya ang tatlong aktibong heneral na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa illegal drugs.

Kinabibilangan ito nina dating National Capital Regional Police Office Chief Police Director Joel Pagdilao, dating Quezon City Police Director C/Supt. Edgardo Tinio at Western Visayas Regional Director C/Supt. Bernardo Diaz.

Pinakamaagang dumating si Diaz at sa White House o sa official residendce ng chief PNP sila nag-usap at saka sumunod ang sina Pagdilao at Tinio.

Dagdag pa ni dela Rosa na naging madamdamin ang kanyang pakikipag-usap sa tatlong opisyal, bagaman hindi na idinitalye ni Gen. Bato ang lahat ng kaganapan sa kanilang pagkikita.

Samantala, iginiit pa rin ni dela Rosa na bilang ama ng pambansang pulisya ay gusto niyang umiyak kasama ng tatlong heneral ay wala siyang magagawa kundi ituloy ang imbestigasyon laban sa mga opisyal ng PNP na isinasangkot sa illegal drugs.

Kaugnay nito, ipinasa na umano ni dela Rosa ang bola sa pag-iimbestiga laban sa tatlong opisyal sa National Police Commission (Napolcom).

TAGS: dela rosa, Illegal Drugs, PNP, dela rosa, Illegal Drugs, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.