Rehab center sa QC, umaapaw na sa dami ng pasyente

By Jay Dones July 06, 2016 - 04:42 AM

 

Inquirer file photo

Dahil sa dami ng mga nagsisi-sukong mga pusher at user ng iligal na droga, umaapaw na sa dami ng gustong magpa-rehab ang isang drug rehabilitation center sa lungsod Quezon.

Ayon sa Quezon City Drug Treatment and Rehabilitation Center o mas kilala bilang ‘Tahanan’ Center, may kapasidad lamang sila na tumanggap ng 150 katao upang sumalang sa kanilang programa.

Ngunit sa ngayon, may naka-waitlist pa na 36 na pasyente.

Ito ay bukod pa sa nasa 1,000 mga drug user at tulak ng droga na nagsisuko kamakailan na humihiling na makapasok sa rehab program ng lungsod.

Dahil dito, marami sa mga sumukong lulong sa ipinagbabawal na gamot ang pinayuhang umuwi na lamang muna at hintayin ang tugon kung kalian sila matatanggap sa Tahanan center.

Ayon naman kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, kanilang hinihintay ang accreditation mula sa Department of Health upang tumanggap ng mas maraming pasyente sa kanilang rehabilitation facility.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.