Pilipinas handang makipag-usap sa China paglabas ng ruling sa South China Sea

By Kabie Aenlle July 06, 2016 - 04:26 AM

 

South-China-Sea-0425Sakali man na sa China maging pabor ang ilalabas na desisyon ng arbitration tribunal kaugnay sa agawan ng mga teritoryo sa South China Sea, maluwag itong tatanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ngayon nananatili pa ring positibo ang pananaw ni Pangulong Duterte na papabor sa Pilipinas ang desisyon sa kasong inihain nito sa arbitral court.

Ngunit nilinaw rin ng pangulo na hindi man ganoon ang kahinatnan, dapat itong tanggapin ng Pilipinas at sundin ang magiging ruling oras na makuha ng bansa ang kopya ng desisyon.

Bukod dito, handa rin aniya ang Pilipinas na idaan ito sa maayos na pakikipag-usap sa China nang hindi kinakailangang humantong sa digmaan.

Naiulat rin sa China Daily na handa ang China na makipag-negosasyon sa Pilipinas sakali mang balewalain ng Pilipinas ang magiging ruling na inaasahang lalabas na sa July 12.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.