Dinner kasama ang pangulo, natuloy

July 16, 2015 - 06:42 AM

apat
Inquirer file photo

Natuloy ang hapunan na ipinatawag ni Pangulong Noynoy Aquino sa Malakanyang Miyerkules ng gabi.

Dumating sa nasabing pulong sina Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, Senator Grace Poe at Senator Chiz Escudero. Alas 7:00 ng gabi nagsimula ang hapunan sa Bahay Pangarap.

Inaasahang sa nasabing pulong ay napag-usapan ang 2016 elections lalo na ang pagtakbo ni Poe bilang running mate ni Roxas. Bagaman ilang ulit nang binanggit ni Poe na kung tatakbo siya sa halalan, mas nais niyang si Escudero ang kanyang maging running mate.

Nabatid din ng Inquirer na kasama sa nasabing meeting si Budget Secretary Butch Abad hindi bilang kasapi ng gabinete kundi bilang kinatawan ng Liberal Party.

Ang nasabing pulong ay ipinatawag ng pangulo sa higit isang linggo na lamang bago ang State of the Nation Address o SONA ng pangulo.

Sa SONA ng pangulo inaasahang babanggitin nito ang kanyang susuportahang kandidato para sa 2016 Presidential Elections./ Dona Dominguez – Cargullo

TAGS: chiz ecudero, grace poe, malacanan dinner, Mar Roxas, chiz ecudero, grace poe, malacanan dinner, Mar Roxas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.