Gilas Pilipinas, natalo ng France sa FIBA OQT

By Kabie Aenlle, Mariel Cruz July 05, 2016 - 11:16 PM

 

Tristan Tamayo/Inquirer.net

Bigong masungkit ng Gilas Pilipinas ang panalo sa kanilang unang laro kontra France sa Manila leg ng 2016 FIBA Olympic Qualifying Tournament (OQT).

Nagtapos ang laban sa iskor na 93-84 pabor sa France.

Bagaman ilang beses ring nakalamang ang Pilipinas, mas madalas namang nanguna ang France sa laban at umabot pa sa 13 ang pinakamataas nilang lamang sa Gilas.

Ginanap ang laban sa Mall of Asia Arena sa Pasay City na dinumog ng mga basketball fans, kabilang na nga si Pangulong Rodrigo Duterte na siya pang nanguna sa jump ball. Huling nakalaban ng Gilas ang France noong 2014 sa kanilang homecourt sa Antibes.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.