Tambalang #Dubredo pang-alis ng tensyon ayon kay VP Robredo

By Isa Avendaño-Umali July 05, 2016 - 05:15 PM

Leni Robredo
Photo: Isa Umali

Natawa pero game na sumagot si Vice President Leni Robredo sa tanong hinggil sa bansag ng netizens sa kanila ni President Rodrigo Duterte bilang DuBredo o pambansang love team.

Sa isang press conference sa kanyang tanggapan sa Quezon City, sinabi ni Robredo na hindi naman dapat seryosohin ang pagtawag sa kanila bilang love team.

Pero para sa kanya, mas ‘relief’ sa nakararami na nagkakasundo na siya at si President Duterte.

Nalulugod din umano siya dahil mas natutuwa ang mga tao ngayon dahil nakikitang nagkakasundo na ang Pangulo at Ikalawang Pangulo ng bansa.

Ani Robredo, sa loob ng mahigit isang buwan ay naririnig ang hindi nila pagkakaunawaan pero nang magkita sila ay naging maayos naman ang kanilang paghaharap.

Naniniwala rin si Robredo na mababawasan na ang away-away sa pagitan ng kanyang supporters at taga-suporta ni Duterte.

Nauna nang sinabi ni Robredo na naiba ang kanyang impresyon sa pangulo makaraan silang mag-usap kahapon sa Malakanyang.

TAGS: dubredo. vice president, duterte, Robredo, dubredo. vice president, duterte, Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.