Gen. Bernardo Diaz pumalag sa bintang na protektor ng droga

By Den Macaranas July 05, 2016 - 05:12 PM

Gen. Diaz
Inquirer file photo

Nilinaw ni dating Western Visayas Police Regional Director C/Supt. Bernardo Diaz na kailanman ay hindi siya nasangkot sa illegal drugs.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Diaz na masama ang kanyang loob at nasama ang kanyang pangalan sa mga sinasabing opisyal ng PNP na sangkot sa bawal na gamot.

Binigyang-diin ni Diaz na galit siya sa iligal na droga dahil ilang mga kaanak na niya ang napahamak dahil sa nasabing bisyo.

Ipinaliwanag rin ng opisyal na bukas ay makikipag-usap siya kay PNP Chief Ronald Dela Rosa para linawin ang isyu.

Hindi rin daw siya na-assigned sa Davao Region tulad ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kanina.

Handa rin umano siyang patunayan at linisin ang pangalan para lamang patunayan na kailanman ay hindi siya naging protector ng iligal na droga.

Nauna nang sinabi ni Duterte ang pangalan nina Diaz, dating National Capital Regional Police Office (NCRPO) Dir. Joel Pagdilao, Dating QCPD Dir. Edgardo Tinio, Dating CSupt. Vicente Loot at dating PNP Deputy Chief for Administration Generoso Marcelo Garbo bilang mga protektor umano ng illegal drugs.

Sa anibersaryo ng Philippine Air Force kanina, sinabi ni Duterte na hindi siya titigil sa kampanya kontra kriminalidad at iligal na droga kahit na sino pa ang masagasaan.

TAGS: bernardo diaz, Illegal Drugs, PNP, bernardo diaz, Illegal Drugs, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.