Bagong HPG director gustong maialis sa EDSA ang mga provincial bus terminal

By Ruel Perez July 05, 2016 - 08:52 AM

edsa trafficKung ang bagong hepe ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang masusunod, nais niyang maalis ang mga terminal ng mga provincial bus sa kahabaan ng EDSA.

Ayon kay HPG Director Sr. Supt. Antonio Gardiola Jr., kung mawawala ang mga naglalakihang provincial buses sa kahabaan ng EDSA malaki ang maitutulong nito para mapaluwag ang daloy ng trapiko.

Dahil din umano sa mga provincial bus terminals, naglipana rin ang mga taxi na nag-aabang naman ng mga pasahero galing o papunta ng probinsya sa mga entrada ng terminals na lalo pang nagpapasikip sa daloy ng traffic.

Suhestyon pa ni Gardiola, ilipat na lamang ang mga provincial bus terminals sa labas ng EDSA.

Ani Gardiola, ihahain niya ang nasabing suhestyon ang nasa nakakataas na ahensya ng gobyerno pa rin ang pasya hinggil dito.

 

 

TAGS: EDSA traffic, EDSA traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.