2 hinihinalang tulak ng droga, patay sa Quiapo Maynila

By Jong Manlapaz July 05, 2016 - 07:13 AM

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Dalawang lalake na hinihinalang tulak ng droga ang napatay sa ikinasang drug buy-bust operation ng Manila Police District sa Quiapo, Maynila.

Kinilala ang isa sa suspek na si alyas “Rashed” samantalang ang back-up ng suspek na napatay din ay hindi pa nakikilala ng mga otoridad.

Sinabi ni Police Chief Inspector John Guiagui, hepe ng station 3 ng MPD, alas 3:00 nng madaling araw ng Martes nang ikasa ang drug buy-bust operation laban kay “Rashed”.

Isang poseur-buyer ang nagpanggap na bibili ng shabu sa halagang P110,000.

Nagkasundo ang PNP asset at si “Rashed” na mag-abutan ng pera at shabu sa bahagi ng Quezon Boulevard malapit sa Isetann.

Ngunit ng mapansin ni “Rashed” na marked money ang ibinayad sa kanya ng asset dito na bumunot ng caliber 45 ang suspek.

Pero hindi na pinaporma pa ng mga pulis ang dalawang suspek dahil may mga operatiba na ng station anti-illegal drugs naka-standby sa lugar.

Nakuha sa dalawang suspek ang dalawang kalibre 45 na baril at ilang gramo ng hinihialang shabu.

Nagtamo ng tama ng bala sa katawan ang dalawang suspek agad nilang kinamatay./ Jong Manlapaz

 

TAGS: Drug suspects killed in a buuy-bust operation in Manila, Drug suspects killed in a buuy-bust operation in Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.