Fundraising drive, inilunsad ni Vivian Velez para sa dating aktor na si Dick Israel

By Kathleen Betina Aenlle July 05, 2016 - 04:37 AM

 

vivian israelKumakalat na sa internet, partikular na sa Facebook, ang litrato ng dating aktor na si Dick Israel na halos hindi na makilala at nangangailangan ng tulong matapos masunugan ng tahanan sa Caloocan.

Base sa post sa isang Facebook page, matapos magkasakit ay nadamay sa sunog ang tahanan ni Israel at ngayon, nangangailangan siya ng tulong pinansyal, o kahit damit, gamot at pagkain.

Mababatid sa litrato na mahina na at labis ang itinanda ni Israel mula nang huli siyang lumabas sa telebisyon.

Samantala, nang makaabot sa kaniya ang balitang ito, pinangunahan ng isa pang beteranang aktres na si Vivian Velez ang isang fundraising campaign.

Ayon kay Velez, na-stroke si Israel noong 2010 at naparalisa ang kalahati ng kaniyang katawan kaya naka-wheelchair na lang siya, ngunit nasunog rin ito.

Ang organisasyong Damay Kamay na binuo ng mga artista na naglalayong tumulong sa mga nangangailangan nilang kasamahan ang tumutulong sa nasabing fundraising campaign.

Naninirahan ngayon ang beteranong aktor sa 144 Evangelista Street, Bagong Barrio, Caloocan City.

Maari ring magpadala ng cash donations sa Tomas Morato branch ng Security Bank sa ilalim ng checking account number 5318 2600 0275 006, habang maari ring magbigay ng iba pang uri ng donasyon sa 7A Sta. Elvira St. Brgy. Kapitolyo, Pasig City.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.