Lalake, patay sa riding-in tandem sa Maynila

By Jong Manlapaz July 05, 2016 - 04:29 AM

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Patay ang isang lalake matapos na barilin sa tapat ng pier 4 sa tondo maynila.

Ayon kay MPD  station 2 Delpan PCP PO1 Eric Reyes, riding-in-tandem ang tumira sa biktima na kinilalang si Carlos Madrid, 28 yrs old at nakatira sa Gate 13 Parola, Tondo, Maynila.

Nagtamo ng tama ng bala ng 9mm caliber ang biktima na agad pumatay sa biktima.

Sa imbestigasyon, dakong alas-2:20 ng madaling araw, habang nakasakay si Madrid sa kanyang tricycle na walang plaka at naghihintay ng pasahero  sa tapat ng pier 4, isa sa riding-in-tandem ang lumapit sa at binaril ito sa ulo.

Ayon sa kanyang kinakasama na si Melanie Batac, posibleng away sa TODA o tricycle group ang dahilan ng pagpatay sa kanyang asawa.

Sinabi naman ni P01 Reyes, tinitignan din nila ang anggulo ng bawal na gamot dahil kilala umano ang biktima na pusher sa lugar.

Hindi naman mabatid ang pagkakilanlan ng dalawang suspek na agad tumakas sakay ng motorsiklo.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, nakuhanan ng tatlong sachet ng shabu ang wallet ng biktima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.