Mga kurap na HPG personnel huhubaran ng uniporme sa publiko

By Den Macaranas July 04, 2016 - 07:28 PM

HPG
Inquirer file photo

Mahigpit ang naging babala ng bagong PNP Highway Patrol Group Director sa kanyang mga tauhan.

Sa kanyang pag-upo bilang pinuno ng PNP-HPG, hinamon ni S/Supt. Antonio Gardiola ang kanyang mga tauhan na ibalik ang dating respeto ng mga mamamayan sa kanilang hanay.

“Pag napatunayan na talagang nangotong kayo o naging arogante sa motorista, pag naconfirm ko yan, huhubaran ko kayo ng uniporme sa harap ng nagku-complain o sa kalsada dahil hindi kayo karapatdapat magsuot ng ating uniporme”, pahayag ng bagong HPG Chief.

Sinabi rin ni Gardiola na ayaw niyang makakarinig ng reklamo mula sa publiko na ginagamit ang mga sasakyan ng mga pulis sa pangongotong.

Ipinaliwanag rin ng opisyal ang kanyang mga plano para higit na mapagaan ang daloy ng trapiko lalo na sa kahabaan ng EDSA.

Aabot daw sa 100 mga HPG personnel mula sa mga lalawigan ang dadalhin niya sa Metro Manila para mangasiwa sa daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan.

TAGS: edsa, gardiola, HPG, PNP, edsa, gardiola, HPG, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.