2 preso napatay sa loob ng Bilibid

By Den Macaranas July 04, 2016 - 05:00 PM

New-Bilibid-Prison
Inquirer file photo

Kinumpirma ng Bureau of Prisons sa isang statement na isang miyembro ng Genuine Ilokano, isang grupo sa loob ng New Bilibid Prisons ang napatay makaraang saksakin ng isang miyembro ng Sigue Sigue Sputnik Gang.

Sinasabing nagkagulo ang magkabilang grupo nang dahil lamang sa nagkainitan sa paglalaro ng basketball.

Dead-on-the-spot infirmary ng NBP ang hindi na pinangalanang biktima dahil sa mga tama ng saksak sa kanyang katawan samantalang inaalam pa rin kung sino ang suspek na nasa likod ng krimen.

Noong nakalipas na linggo lamang ay isang preso rin mula sa Medium Security Compound ang sinaksak at napatay dahil sa sinasabing onsehan sa pagbebenta ng illegal drugs sa loob ng bilibid.

Ang biktima ay kinilalang si Mike Palamela na sinasabing tulak din ng ipinagbabawal na gamot.

Kamakailan naman ay isang barilan ang naganap din sa loob ng bilangguan pero tumanggi ang pamunuan ng NBP na kumpirmahin ang nasabing ulat.

Nauna nang sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na pinag-aaralan na nilang palitan ang mga bantay sa loob ng Bilibid ng mga tauhan ng Special Action Force ng Philippine National Police dahil sa patuloy na pamamayagpag doon ng ilang grupong sangkot sa droga.

TAGS: genuine ilokano, Illegal Drugs, NBP, sigue sigue sputnik, genuine ilokano, Illegal Drugs, NBP, sigue sigue sputnik

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.