Huling batch ng mga baguhang kongresista, sumasailalim na sa legislative crash course

By Isa Avendaño-Umali July 04, 2016 - 12:28 PM

Kuha ni Isa Umali
Kuha ni Isa Umali

Sumalang na ang huling batch ng mga bagitong Kongresista sa Executive Course on Legislation, bilang paghahanda sa kanilang trabaho sa 17th Congress.

Mahigit apatnapung incoming Congressmen sa 17th Congress ang bahagi ng naturang crash course na gagawin ngayong buong linggo.

Kasama sa grupo si dating Batangas Governor at ngayo’y Lipa City Rep. Vilma Santos Recto.

Nasa listahan din ng attendees si Monsour del Rosario na nanalong Kongresista ng Makati City.

Ayon kay House Secretary Marilyn Barua-Yap, sa kabuuan ay mahigit isang daang Kongresista ang sumalang sa Legislative Crash Course mula nang umpisahan ito tatlong linggo na ang nakalilipas.

Ang bawat batch ay nagtatapos ng kurso sa pamamagitan ng pagdalo sa isang mock session sa plenaryo ng Kamara, upang malaman nila ang proseso at pakiramdam tuwing may sesyon.

 

 

 

TAGS: crash course for 17th congress, crash course for 17th congress

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.