Vice Ganda, magkakaroon ng libreng concert para sa Duterte supporters

July 03, 2016 - 11:42 AM

VICEGANDA PHOTO INQUIRERIsang libreng concert ang i-aalok ni Vice Ganda para sa mga tagasuporta ni President Rodrigo Duterte.

Ayon sa komedyante, pinaghahandaan na niya ang naturang concert, na isasagawa sa Davao City.

Gayunman, wala pang maibigay na petsa si Vice Ganda para sa nabanggit na concert.

Sinabi ni Vice Ganda na nais niyang makabawi sa mga dumalo sa thanksgiving concert noon ni Duterte, kung saan hindi siya nakapag-tanghal.

Matatandaang bigong makapag-perform si Vice Ganda sa DU31: One Love, One Nation Thanksgiving Party noong June 05 dahil sa napakalakas na ulan, bukod pa sa nawalan ng kuryente.

Nang matanong naman si Vice Ganda kung ano ang masasabi niya sa inauguration speech ni Duterte noong June 30, inihayag nito na marapat maging ‘hopeful’ ang lahat sa mga pagbabagong mangyayari sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ng bagong Pangulo.

 

TAGS: President Rodrigo Duterte, Vice-Ganda, President Rodrigo Duterte, Vice-Ganda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.