SSS pension hike bill, muling ihinain sa Kongreso

By Kabie Aenlle July 02, 2016 - 04:44 AM

SSS RallyMuling inihain ng Bayan Muna partylist sa Kongreso ang panukalang Social Security System (SSS) pension hike.

Matatandaang nag-veto si dating Pangulong Aquino sa nasabing panukala na layon sanang dagdagan ng P2,000 ang pension na natatanggap ng mga SSS pensioners.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, naniniwala siyang maisasabatas na ngayong 17th Congress ang nasabing panukalang batas.

Aniya, nang isara ang 16th Congress, may mahigit 130 na mambabatas ang sumuporta sa resolusyon na mag-ooverride sana sa veto ng pangulo.

Masaya rin si Zarate na marami nang miyembro ng Kamara ang naghahain ng kaparehong panukala na isinumite ng Bayan Muna mula pa noong 2011.

Paliwanag niya, positibo sila dito ngayon dahil alam nilang suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pension hike.

Bukod sa SSS pension hike bill, naghain rin ang Bayan Muna ng Genuine Freedom of Information Bill, Lower Income Tax Bill at panukalang laban sa mga political dynasties.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.