MILF leaders, kakausapin na ni Duterte sa susunod na linggo

By Kabie Aenlle July 02, 2016 - 04:42 AM

MILF MenNakatakdang makipagusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pinuno ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) upang maipagpatuloy na rin ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng rebeldeng grupo at ng pamahalaan.

Bukod sa MILF, balak na rin niyang puntahan sa Jolo, Sulu ang pinuno ng Moro National Liberation Front (MNLF) na si Nur Misuri.

Sa kaniyang talumpati sa Camp Aguinaldo kahapon, sinabi pa ni Duterte na handa siyang bigyan ang mga lider ng safe conduct passes.

Positibo ang pananaw ni Duterte sa planong ito, at aniya, sakali mang matyambahan niya na makamit ang kapayapaan para sa bansa lalo na sa Mindanao, masaya siyang magreretiro.

Matatandaang hindi nakalusot sa Kongreso ang Bangsamoro Basic Law (BBL) na nabuo sa peace talks ng administrasyong Aquino sa MILF noon pang 2014.

Giit ni Duterte, kailangan nang matapos ang mga pakikipaglaban, at tungkulin niyang dalhin ang kapayapaan sa bansa kasabay ng pagpapatupad ng kaayusan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.