Duterte handang mamatay para sa matitinong pulis

By Kabie Aenlle July 02, 2016 - 04:41 AM

Courtesy of PNP-PIO
Courtesy of PNP-PIO

Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na mamatay at magsakripisyo para sa mga pulis na ginagampanan ang kanilang tungkulin nang tapat at maayos.

Sa kaniyang talumpati sa harap ng mga pulis sa assumption of office ni Philippine National Police (PNP) Director General Ronald dela Rosa, sinabi ni Duterte na kaya niyang isakripisyo ang sarili para sa mga pulis na ginagawa ang kanilang trabaho.

Aniya pa, halimbawang makapatay ng 1,000 katao ang mga pulis habang sila ay naka-duty at ginagampanan ang kanilang tungkulin, handa pa siyang protektahan ang mga ito lalo na kung sila ay makakasuhan.

Sakali naman aniyang ipa-impeach siya sa pag-protekta sa mga pulis na sa tingin niya ay maayos sa trabaho, bibilisan pa aniya niya ang proseso nito at sabay silang aalis sa kani-kanilang mga pwesto.

Ipinangako rin ni Duterte na dodoblehin niya ang sahod ng mga pulis upang masawata na ang katiwalian sa PNP, at maglalaan rin ng sapat na pondo para sa karagdagang kagamitan at armas ng mga pulis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.