Mga Pinoy sa Turkey, ligtas matapos ang Istanbul airport bombing

By Dona Dominguez-Cargullo June 29, 2016 - 12:48 PM

AFP/Getty Images
AFP/Getty Images

Ligtas ang nasa 3,500 mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Turkey matapos ang pagpapasabog sa Istanbul Airport Miyerkules ng madaling araw.

Ayon kay Philippine Ambassador to Turkey Ma. Rowena Sanchez, matapos ang pakikipag-ugnayan nila sa Filipino communities, wala pang napaulat na may Pinoy na nadamay sa pambobomba sa paliparan.

Sa 3,500 na OFWs sa Turkey, 2,000 ay nasa Istanbul.

Kasabay nito, pinaalalahanan ni Sanchez ang mga OFWs sa Turkey na palaging maging maingat sa mga pinupuntahang lugar.

Sa inilabas na abiso ng embahada, particular na pinaiiwas ang mga Pinoy sa Turkey sa mga matataong lugar gaya ng malls, shopping areas sa Tunali at Kizilay sa Ankara, at sa mga pamilihan sa Nisantasi at Taksim sa Istanbul.

Pinag-iingat din ang mga Pinoy kapag sila ay nasa mga pampublikong sasakyan, mataong parke, lugar na may pagtitipong pulitikal, at iba pa.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.