Turkish officials naglinaw sa death toll sa Istanbul airport bombing; 36 patay, 147 sugatan

By Dona Dominguez-Cargullo June 29, 2016 - 09:04 AM

Reuters Photo
Reuters Photo

Tatlumpu’t anim ang latest na bilang ng mga kumpirmadong nasawi sa pagsabog sa Istanbul Airport at nasa 147 na katao ang sugatan.

Ito ang pagliliniaw ni Justice Minister Bekir Bozdag matapos na isang Turkish official din ang magsabing nasa 50 na ang patay.

Posible umanong madagdagan pa ang kasalukuyang death toll dahil may mga kritikal ang kondisyon sa mga nasugatan.

Kinondena naman ng Estados Unidos ang pangyayari. Ayon kay White House spokesman Josh Earnest, nakikiramay ang U.S sa pamilya ng mga biktima sa Istanbul Airport attack.

Nanawagan naman si Turkish President Recep Tayyip Erdogan sa international community na manindigan laban sa terorismo.

Ayon kay Erdogan ang pag-atake sa paliparan na naganap ngayong buwan ng Ramadan ay pagpapakita na walang kinikilalang pananampalataya ang mga terorista.

 

TAGS: Istanbul Airport bombing, Istanbul Airport bombing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.