Mga lugar sa Mindanao na nakasailalim sa yellow rainfall warning, nabawasan na

By Dona Dominguez-Cargullo June 28, 2016 - 12:22 PM

Mula sa labing tatlong lalawigan kanina, limang lalawigan na lamang sa Mindanao ang nakasailalim ngayon sa heavy rain fall warning ng PAGASA.

Sa abiso na inilabas ng PAGASA alas 12:00 ng tanghali, nakataas ang yellow warning level sa mga lalawigan ng Davao del Sur, Sarangani, South Cotabato, General Santos City at Siargao Island.

Babala ng PAGASA sa mga residente, maaring makaranas ng pagbaha sa mga apektadong lugar lalo na sa mga low lying areas.

Ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) pa rin ang umiiral sa Mindanao at nagdudulot ng malakas na pag-ulan sa rehiyon.

Inabisuhan ng PAGASA ang publiko na antabayan ang susunod na abiso na ilalabas ng PAGASA mamayang alas 3:00 ng hapon.

TAGS: rainfall warning in Mindanao areas, rainfall warning in Mindanao areas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.