Barangay polls magiging matagumpay kahit hindi tumulong ang tatlong Commissioners

By Dona Dominguez-Cargullo June 28, 2016 - 11:48 AM

guanzon-bautista-620x340Kayang maidaos ng matagumpay ang Barangay at SK elections ngayong taon kahit hindi tumulong ang tatlong Comelec Commissioners.

Tugon ito ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista sa pahayag ni Commissioner Rowena Guanzon na siya at dalawa pang Commissioners ng Comelec ay walang balak makilahok sa preparasyon para sa Barangay polls.

Ang dalawang Commissioners na tinukoy ni Guanzon ay sina Commissioners Robert Lim at Luie Guia.

Sinabi ni Bautista, siya at ang iba pang Comelec Commissioners kasama na ang lahat ng empleyado ng poll body ay magtutulong-tulungan para sa Barangay elections.

Hindi naman makapaniwala si Bautista na maging si Commissioner Guia ay nagsabing ayaw niyang mag-participate sa nasabing halalan.

Ani Bautista, kilala niya si Guia bilang isang masipag na opisyal, professional at ginagampanan ang kaniyang tungkulin

“Gusto ko malaman kung totoong sinabi nga ni Commissioner Guanzon lalo na ni Commissioner Guia. Kilala ko po si Commissioner Guia siya po ay masipag at ginagawa talaga ang tungkulin,” sinabi ni Bautista sa panayam ng Radyo Inquirer.

Nangako naman si Bautista na patuloy niyang tutuparin ang tungkulin niyang sinumpaan at magiging professional sa kabila ng mga pag-atake sa kaniya.

TAGS: Barangay polls to push thru even without the participation of 3 commissioners, Barangay polls to push thru even without the participation of 3 commissioners

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.