Salpukan ng 2 motorsiklo sa Antipolo City; 2 patay, 3 ang sugatan

By Ricky Brozas June 28, 2016 - 11:40 AM

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Patay ang dalawang katao at sugatan ang tatlong iba pa sa salpukan ng dalawang motorsiklo sa Sitio Langhaya, Marcos Highway, Antipolo City.

Ayon sa Antipolo Police, nagkarera ang dalawang motorsiklo sa paibabang bahagi ng Sitio Langhaya at kapwa nag-overtake sa dump truck.

Sinabi ni SPO2 Jojo Angeles ng Cogeo Police Community Precinct (PCP), pagka-overtake sa truck ay nagkasalpukan na ang dalawang motorsiklo.

Ang isang motorsiklo ay may sakay na tatlo habang dalawa naman ang lulan ng isa pa.

Dead on the spot ang isa sa mga biktima habang ang isa pa ay nasawi sa ospital.

Una namang inakala ng mga tricycle driver sa lugar na ang trak ang nakabangga sa mga motor kaya hinabol nila ito.

Sumama naman sa presinto ang truck driver para ibigay ang kaniyang panig.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

TAGS: 2 dead 3 hurt in Antipolo City accident, 2 dead 3 hurt in Antipolo City accident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.