Jeepney driver na nagpakita ng kaniyang ari sa pasahero, hindi sumipot sa hearing sa LTFRB

By Dona Domiguez-Cargullo June 28, 2016 - 10:34 AM

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Nabigong magpakita sa Land Transportation Franchising and Regulatory board (LTFRB) ang jeepney driver na nag-viral sa social media matapos makuhanan ng video na naglalabas ng kaniyang private part.

Ang 41-anyos na driver ng jeep na si Jesse Sewell ay inireklamo sa LFRB ng babaeng pasahero nito, matapos ilabas ang ari habang nagmamaneho at katabi sa front seat ng jeep ang babae.

Sa isinagawang hearing sa LTFRB, tanging ang asawa ni Sewell na si Concepcion ang sumipot at isinumite ang statement ng kaniyang mister.

Sinabi ni Concepcion na plano ng kaniyang mister na magpatingin sa neuropsychiatrist.

Ayon pa kay Concepcion, hindi siya makapaniwalang magagawa iyon ng kaniyang asawa na aniya ay mabait at masipag.

Hindi naman masabi ni Concepcion kung may pinagdaanan sa kondisyong pangkalusugan ang mister niya pero tiyak umano niyang hindi ito gumagamit ng droga.

Nakatakda naming hilingin ng LTFRB sa Land Transportation Office (LTO) na bawiin ang lisensya ni Sewell.

 

TAGS: Jesse Sewell, Jesse Sewell

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.