35 patay sa tatlong magkakasunod na pagpapasabog sa Yemen

By Jay Dones June 28, 2016 - 04:18 AM

 

mukalla-yemenHindi bababa sa labing-apat katao ang nasawi sa serye ng mga pambobomba sa magkakahiwalay na lugar sa bansang Yemen.

Halos sunud-sunod na pinasabugan ng mga terorista ang ilang sangay ng gobyerno sa port city ng Mukalla, Lunes.

Naganap ang tatlong sunud-sunod na pambobomba habang nasa huling bahagi na ng kanilang fasting ang mga residente sa pagtatapos ng holy month of Ramadan.

Inako naman ng Islamic State o IS ang sunud-sunod na pagsalakay sa Yemen.

Bukod sa 14 na nasawi, nasa higit 15 pa ang nasugatan sa sunud-sunod na pagsabog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.