Anti-drug raid sa Davao City, 7 patay

July 15, 2015 - 09:41 AM

davao cityPito ang nasawi habang tatlumpung iba pa ang inaresto sa isinagawang anti-drug operation sa Davao City.

Ayon kay Police Regional Office 11 Director Chief Supt. Wendy Rosario, sa nasabing bilang ng naaresto 20 ay mga lalaki habang 10 naman ang mga babae.

Isinagawa ang pagsalakay sa apat na distroto ng Davao City at walong distrito pa ang kasalukuyang ginagalugad ng pulisya.

Aabot naman sa 200 gramo ng shabu, dalawang granada, dalawang motorsiklo at labintatlong baril ang nakumpiska ng mga otoridad.

Ang operasyon ayon kay Rosario ay kaugnay sa “Oplan Kaagapay” ng pambansang pulisya. / Jan Escosio, Erwin Aguilon

TAGS: anti-drug operation Davao City, Chief Supt. Wendy Rosario, Radyo Inquirer, anti-drug operation Davao City, Chief Supt. Wendy Rosario, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.