Walang magsasakang mapapatalsik sa kanilang lupa-Mariano

By Jay Dones June 27, 2016 - 04:41 AM

 

Inquirer file photo

May listahan na ang susunod na liderato ng Department of Agrarian Reform (DAR) kung ano ang nais nitong unahin sa oras na maupo na sa pwesto sa susunod na buwan.

Uunahin ni incoming Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano sa unang mga araw niya sa tungkulin ang agad na sampahan ng mga reklamo ang mga sangkot sa iligal na land conversion sa bansa.

Ipaiimbentaryo din nito ang nasa 2.7 milyong mga magsasaka na nabigyan ng 4.7 milyong ektaryang lupain mula 1970 upang malaman kung hawak pa nila ang mga naturang lupain o hindi na.

Ayon kay Mariano, kanya ring rerebisahin ang mga stock distribution arrangement sa pagitan ng mga landowner at mga tenants ng mga lupa at ang pagbibigay ng condonation sa mga bank penalties sa mga magsasakang hindi makabayad ng utang.

Isa rin sa mga prioridad nito ay ang paglulunsad ng konsultasyon sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita upang alamin ang kondisyon ng mga ito.

Tiniyak din ni Mariano na sa ilalim ng kanyang termino, walang magsasaka ang sapilitang mapapaalis sa kanyang lupang tinitirhan.

Nangako si Mariano na gagawin ang lahat ng makakaya upang maibigay ang genuine land reform sa mga magsasaka.

SI Mariano ay lider ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP.

Siya ang itinalaga ni incoming president Rodrigo Duterte na mamuno ng DAR sa kanyang pag-upo bilang susunod na lider ng bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.