Fighting 12 ng Gilas Pilipinas, iaanunsyo na mamayang gabi

By Isa Avendaño-Umali June 26, 2016 - 03:53 PM

GilasTrending na ang #GilasPilipinas sa social media dahil sa inaabangang anunsyo kung sinu-sino ang bubuo sa Final 12 ng koponan.

Ayon kay Gilas Pilipinas coach Tab Baldwin, siya mismo ang mag-aanunsyo ng listahan ng basketball players na pasok sa tinatawag niyang ‘Fighting 12.’

Live ang formal announcement ni Baldwin mamayang gabi sa TV5, na pag-aari ng basketball godfather na si Manny V. Pangilinan.

Ang Fighting 12 ang sasabak sa Manila Olympic Qualifying Tournament o OQT, na magaganap mula July 5 hanggang 10, 2016, sa Mall of Asia Arena.

Kailangang manalo ng Gilas Pilipinas sa Manila OQT upang makasali sa main draw ng 2016 Rio de Janeiro Olympics sa Agosto.

Sa mga naunang reports, kabilang sa mga posibleng pasok sa Fighting 12 ay sina Andray Blatche, June Mar Fajardo, Gabe Norwood, Jason Castro, Marc Pingris, Calvin Abueva, Japeth Aguilar at Ranidel de Ocampo.

 

TAGS: Gilas Pilipinas, Gilas Pilipinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.