WATCH: Baron Geisler at Kiko Matos, nagkaayos na matapos ang sagupaan sa URCC ring

By Mariel Cruz June 26, 2016 - 01:54 PM

Matapos mauwi sa “unanimous draw” o tabla ang laban nina Baron Geisler at Kiko Matos sa Universal Reality Combat Championship o URCC, tila nagkasundo na ang dalawa.

Sa pagtatapos ng nasabing laban, nagyakapan sina Baron at Kiko na hudyat na naareglo na ang anumang hindi nila pagkakaintindihan simula nang magbangayan sila sa isang bar sa Tomas Morato noong nakaraang buwan.

Sinabihan pa ni Kiko si Baron ng “Mahal kita” at wala na din aniyang bigwasan na magaganap sa kanilang dalawa.

Ayon naman kay Baron, wala na siyang galit kay Kiko at nirerespeto nila ang isa’t isa bilang mga aktor at bilang tao.

Sa huli, binati ni Baron si Kiko at sinabihan ng “congratulations”.

Naganap ang sagupaan ng dalawang aktor sa Bonifacio Global City sa Taguig, gabi ng Sabado.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.