Duterte pikon na sa Abu Sayyaf Group

By Den Macaranas June 25, 2016 - 08:49 AM

Duterte ASG
Inquirer file photo

Aminado si incoming President Rodrigo Duterte na ubos na ang kanyang pasensiya sa bandidong Abu Sayyaf Group.

Sa kanyang pag-upo sa pwesto sa June 30, sinabi ni Duterte na meron na siyang inihahandang surpresa para sa nasabing grupo.

Nauna nang sinabi ni Duterte na dapat nang itigil ng Abu Sayyaf ang kanilang pagdukot lalo na sa mga dayuhan dahil nagdudulot ito ng masamang imahe sa ating bansa.

Kahapon ay personal na nakaharap at nakausap ng incoming president si Maritess Flor, ang pinay na binihag ng bandidong grupo mula sa Samal Island sa Davao de Norte.

Dalawa sa mga kasamahan ni Flor na sina Robert Hall at John Ridsdel ang pinugutan ng grupo at nagbanta rin sila na pupugutan pa ang isa pang bihag na si Kjartan Sekkingstad.

Pinakawalan si Flor bilang pagpapakita umano ng “goodwill” ng Abu Sayyaf ayon kay Sulu Gov. Abdusakur Tan.

TAGS: Abu Sayyaf, duterte, maritess flor, samal isaland, Abu Sayyaf, duterte, maritess flor, samal isaland

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.