Pamilya nina Dawn Zulueta at Rep. Tony Lagdameo, nakakatanggap ng mga banta

By Kabie Aenlle June 25, 2016 - 04:59 AM

Dawn Zulueta and Anton LagdameoHumingi na ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mag-asawang Dawn Zulueta at Davao del Norte Rep. Antonio Lagdameo dahil umano sa mga natatanggap nilang banta sa kanilang pamilya.

Ayon sa abogado ni Lagdameo na si Rudolph Jurado, nagsimula ito nang makatanggap ang mambabatas ng mga text messages na nagsasabing sila ay tinitiktikan at may kasama pang mga banta.

Binalewala na lang muna ng mag-asawa ang mga text na iyon dahil nangyari ito noong panahon ng eleksyon, at inaasahan nila na kapag natapos na ang halalan, titigil na rin ang mga banta ngunit hindi ganoon ang nangyari.

Mayroon ding mga lalaking sakay ng isang Toyota Innova ang namataang kinukunan ng litrato ang isa sa mga anak nina Zulueta, habang apat na lalaking sakay ng dalawang motorsiklo naman ang nagtanong sa schedule ng aktres habang nasa shoot ito ng pelikula sa Laguna.

Kinumpirma rin ni Jurado na muntik nang madukot ang anak nina Zulueta nang lumabas ito sa paaralan, ngunit napigilan ito ng mga kasama ng bata, at saka kumaripas ng takbo ang suspek.

Iniimbestigahan na ng NBI ang koneksyon ng mga bantang natanggap ni Lagdameo sa tangkang pag-dukot sa kanilang anak, pati na sa mga sasakyang madalas na tumitiktik sa kanilang tahanan.

Ayaw naman muna magbigay ng pahayag ni Zulueta kaugnay sa isyu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.