Abu Sayyaf, binalaan ni Duterte na itigil na ang mga pagdukot

By Kabie Aenlle June 25, 2016 - 04:55 AM

abu-sayyafDahil sinisira lang nito ang imahe ng Pilipinas, sinabi ni incoming President Rodrigo Duterte na dapat nang itigil ng mga bandidong Abu Sayyaf ang kanilang mga pag-kidnap.

Banta ni Duterte, ayaw lang niyang makipag-away ngayon pero darating rin ang panahon na haharapin din niya ang mga Abu Sayyaf.

Hindi pa man aniya ito mangyayari, pero dapat nang itigil ng Abu Sayyaf ang kanilang mga kidnappings dahil nagreresulta lang ito ng hindi magandang imahe para sa bansa lalo’t puro mga dayuhan ang kanilang dinudukot.

Ipinahayag ito ni Duterte sa turnover ceremony sa Davao City police, kung saan niya rin ipinresenta ang pinalayang bihag ng Abu Sayyaf na si Marites Flor.

Matatandaang ibinalik na ng mga bandido si Flor, habang nananatili pa rin sa kanilang mga kamay ang isa pang natitirang bihag na dayuhan na si Kjartan Sekkingstad na isang Norwegian.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.