Kobe Bryant, dumating na sa Maynila

By Kabie Aenlle June 25, 2016 - 04:29 AM

Photo from Nike Zoom Kobe Facebook page
Photo from Nike Zoom Kobe Facebook page

Dumating na sa bansa ang basketball superstar na si Kobe Bryant na kilala rin bilang Black Mamba.

Si Bryant ay narito sa Maynila para sa “Mamba Mentality Tour” ng Nike mula June 25 hanggang 26.

Nagpost ng litrato ang Facebook page na Nike Zoom Kobe kung saan makikita si Bryant na bumababa ng isang private plane.

Magkakaroon rin si Bryant ng “Kobe Academy” clinic bukas, June 26 kasama ang ilang mga manlalaro na sa tingin niya ay may angking galing at “Mamba Mentality mindset.”

Paliwanag ng Nike, ang tinatawag na Mamba Mentality ay ang pilosopiyang nakuha nila sa kung paano maglaro si Bryant, at kung paano niya pinaghihirapan ang kaniyang mga nais makamit sa pamamagitan ng hard work, resilience at passion, sa loob o labas man ng court.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.