Indonesian President Widodo, naglayag sa South China Sea sakay ng warship

By Kathleen Betina Aenlle June 24, 2016 - 04:36 AM

 

Inquirer/AP

Binisita ni Indonesian President Joko Widodo ang Natuna Islands para sakay ng isang warship para magpahatid ng isang mensahe.

Sinamahan ng mga matataas na security officials si Widodo nang libutin niya ang lugar sakay ang barkong nagpaputok ng warning shots sa mga Chinese fishing boats noong nakaraang linggo, at hinuli pa nila ang isa sa mga ito at ang sakay nitong pitong pahinante.

Kasunod nito, nagpatawag ng pulong si Widodo sa mismong barko para pag-usapan ang mga isyu at ang pagpapaunlad sa kanilang remote islands na aabot sa 1,100 kilometro ang layo sa Jakarta.

Ayon kay Senior political and security minister Luhut BInsar Pandjaitan, layunin ng pag-bisita ni Widodo na magbigay ng malinaw na mensahe sa China na seryoso sila sa pag-protekta sa kanilang soberanya.

Ngayon lang aniya sila naging ganito kahigpit sa China, at nais rin iparating ni Widodo na hindi niya basta bina-balewala ang isyung ito.

Noong linggo lamang, pumalag ang Chinese Foreign Ministry sa naganap na shooting incident at iginiit na inabuso ng Indonesian navy ang kanilang pwersa dahil ang lugar na iyon ay “traditional fishing ground” na ng China.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.