25 drug suspects, patay sa limang araw ng anti-drug operations

By Kathleen Betina Aenlle June 24, 2016 - 04:34 AM

 

gun1Umabot sa 25 drug suspects ang napatay ng mga pulis sa loob lamang ng limang araw, mula noong June 20 hanggang June 26.

Ito ay resulta ng mas puspusang operasyon ng Philippine National Police (PNP) laban sa iligal na droga.

Kabilang sa 25 na napatay ay pawang mga notorious at nasa top drug personalities sa iba’t lugar, at karamihan pa sa mga ito ayon sa ulat ng mga pulis ay nanlalaban sa pag-aresto sa kanila.

Pero iginiit ng PNP na hindi lang nila ito ginagawa para magpakitang gilas sa papasok na administrasyon kundi dahil mandato nila ang sugpuin ang mga ganitong uri ng kriminalidad.

Tiniyak naman ni PNP spokesperson Chief Supt. Wilben Mayor na maipapaliwanag nila ang mga insidenteng ito, dahil iniimbestigahan nila ang mga naganap sa operasyon at kung bakit napatay ang mga suspek sa kanilang mga engkwentro.

Ito aniya ay para maiwasan rin ang negatibong pananaw sa kanila at para malaman nila sakaling may mali talagang ginawa ang kanilang mga tauhan sa operasyon na kanilang isinagawa.

Aniya pa, kung mayroong ginawang masama ang pulis, karapatdapat lang na mapanagot ang mga ito at tanggalin sa serbisyo.

Itinanggi rin ni Mayor ang spekulasyon na nagsasagawa sila ng “cleansing,” o itinutumba nila ang mga drug personalities na maaring magturo sa mga pulis na sangkot sa operasyon ng iligal na droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.