42 arestado, 1 ex-convict patay sa Oplan Galugad sa Navotas

By Kathleen Betina Aenlle June 24, 2016 - 04:32 AM

 

HAND-CUFFSUmabot sa 42 na mga drug users at pushers ang arestado, habang isang ex-convict naman ang napatay sa one-time big-time na operasyon ng mga pulis kontra iligal na droga sa Navotas City.

Isinagawa ang operasyon Huwebes ng hapon sa loob ng compound sa Navotas Maritime Unit sa North Bay Boulevard North.

Ayon kay Northern Police District director Chief Supt. Eric Reyes, napatay sa operasyon si John Erwin Manalang David na isang kargador matapos niyang subukang makipagpalitan ng putok sa mga operatiba ng Navotas Police Station.

Tinutukan umano ni David ng baril si PO1 Alvin Agustin bago siya nabaril.

Kalalabas lamang sa kulungan ni David noong nakaraang linggo dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act. Narekober naman sa kaniya ang isang cal. .22 na revolver, isang 9mm revolver at limang sachet ng shabu.

Sa 42 na naaresto, anim ang hinihinalang drug users na nahulihan ng shabu, habang lima naman ang huli sa aktong nagse-session sa isang bahay na ginawang drug den na pag-aari ng isang Evengeline Todallion na naaresto rin sa operasyon.

Sampu sa mga suspek ang sasampahan ng kasong possession of illegal drugs, habang beberipikahin pa ang sa 31 iba pa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.