Hirit ni Jinggoy na sa kanya manumpa ang vice-mayor na anak hinarang sa Sandiganbayan

By Isa Avendaño-Umali June 23, 2016 - 03:40 PM

SEN. JINGGOY ESTRADA-SANDIGANBAYAN/SEPTEMBER 08, 2014 Senator Jinggoy Estrada taking a break from the hearing of his case in Sandiganbayan, Quezon City. LYN RILLON
LYN RILLON/Inquirer

 

Ipinababasura ng prosecution panel sa Sandiganbayan ang mosyon ni Senador Jinggoy Estrada na humihiling na makalabas ng detensyon at mai-administer ang panunumpa ng anak na si Janela na nanalong Vice-Mayor sa San Juan City na gaganapin sa June 28.

Sa kanilang apat na pahinang oposisyon na inihain sa 5th division, iginiit ng prosekusyon na hindi dapat mabigyan ng pagkakataon si Estrada na makalabas ng kulungan dahil non-bailable offense ang kaso nitong pluder at bilang detenido ay dapat manatiling limitado ang galaw ng Senador.

Dagdag ng prosekusyon, kung papayagan ang mosyon ni Estrada ay lalabas na pinapaboran ito ng korte bilang isang mataas na opisyal ng gobyerno. Nakasaad din sa opposition ng prosekusyon na dahil sa sitwasyon ni Estrada bilang akusado ay ibinasura ng korte ang mga nakalipas nitong hiling na furlough.

Ang korte umano mismo ang nagsasabi na dahil sa pagkakakulong ay hindi na pwedeng ma-enjoy ni Estada ang ilang karapatan nito.

Nauna nang sinabi ng korte na kapag napayagan si Estrada ay hindi lamang ito magsisilbing bad precedent, kundi lalabas na mockery pa ng sistema ng hustisya sa bansa.

TAGS: janela, jinggoy estrada, san Juan, sandiganbayan, janela, jinggoy estrada, san Juan, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.