WATCH: Driver ng jeep na naglabas ng ari habang nagmamaneho, inireklamo sa LTFRB

By Ricky Brozas June 21, 2016 - 10:38 AM

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Nagpasaklolo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang isang 21-anyos na liason officer para ireklamo ang isang jeepney driver na naglabas ng kanyang ari at nag-masturbate habang nagmamaneho.

Base sa salaysay ng biktima na si Carissa Marcia, sumakay siya sa bahagi ng Aurora Blvd. sa Pasay City noong June 17 sa jeep na may biyaheng Baclaran-Nichols at sa harapang bahagi ng jeep siya umupo.

Gayunman, ilang saglit lang ay inilabas na ng suspek ang kanyang ari at saka hinawak-hawakan.

Dito na inirekord ng biktima sa pamamagitan ng kaniyang cellphone ang kahalayan ng driver.

Sa kanyang pagdulog sa LTFRB ay ibinigay din ng biktima ang kopya ng kanyang kuha sa cellphone video.

Una na ring nagsumbong sa Pasay City Police ang biktima kung saan agad na ikinasa ang operasyon para hulihin ang suspek na si Jesse Veron Sewell.

Hinala ng LTFRB peke ang lisensiya na gamit ng suspek dahil wala itong record sa database ng LTO.

Napag-alaman din ng LTFRB na may dati nang kaparehong reklamo ang isinampa sa suspek na ngayon ay nakakulong na sa Pasay City Jail.

Pinadalhan na rin ng summon ng LTFRB ang may-ari o operator ng jeep na may plakang PYP 878 para humarap sa LTFRB.

 

 

TAGS: VIRAL video of a jeepney driver, VIRAL video of a jeepney driver

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.