Cleveland Cavaliers nakapagtala ng kasaysayan matapos magwagi sa NBA Finals

By Dona Dominguez-Cargullo June 20, 2016 - 10:53 AM

Photo from NBA TV
Photo from NBA TV

Wagi sa kauna-unahang pagkakataon sa NBA Finals ang Cleveland Cavaliers.

Ito ay matapos talunin ng Cavaliers ang Golden State Warriors sa do-or-die game na ginanap sa Oakland Arena sa score na 93-89.

Ito ang unang NBA title para sa Cleveland sa loob ng 46 na season ng NBA.

Maituturing din itong “grandest stage” sa career ni Lebron James matapos pangunahan ang koponan para sa kauna-unahang championship title.

Gumawa si James ng 27 points, 11 rebounds at 11 assists.

Dahil din sa pagkakapanalo, ang Cavaliers ay naging kauna-unahang koponan na nakabangon sa 3-1 series deficit at nakapag-uwi ng kampeonato.

Naging dikitan ang laban ng dalawang koponan, at ilang beses ding naging tabla ang iskor mula 1st hanggang 4th quarter.

Pero sa huli, nanaig ang Cavaliers at hindi hinayaang makuha ng Warriors ang back-to-back championship.

 

 

TAGS: Cleveland Cavaliers win NBA championship in victory over Warriors, Cleveland Cavaliers win NBA championship in victory over Warriors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.