Do or die game 7 ng NBA finals, mamaya na

By Kathleen Betina Aenlle June 20, 2016 - 04:21 AM

Inquirer/AP

Inaasahang magiging matindi ang labanan sa pagitan ng Golden State Warriors at Cleveland Cavaliers sa finals ng NBA na gaganapin Linggo ng gabi sa Amerika, June 19, na mapapanood Lunes ng umaga dito sa Pilipinas.

Kaabang-abang para sa mga basketball fans ang laban na ito dahil naging tabla sa kartagang 3-3 ang Warriors at Cavaliers.

Aminado si Stephen Curry ng Warriors na marami ang nakasalalay sa laban nilang ito kontra Cavaliers, tulad na lamang ng 73 wins, mga awards at mga di malilimutang karanasan na bumida sa kanilang special season kung hindi nila ito maipapanalo.

Ipinagtataka rin naman niya kung bakit tila wala sa huwisyo ang Warriors na dahilan ng pagkatalo nila sa Games 5 at 6 kung saan na-miss nila ang ilang open shots at sumablay ang kanilang depensa.

Isang game na lang aniya ang mayroon sila para mawari kung ano ang kanilang problema at ayusin ito alang-alang sa kanilang panalo.

Aniya pa, kailangan na niyang maging agresibo sa laban ngayon.

Para naman kay James, naniniwala siyang natuto na siya sa kaniyang mga pagkakamali at mas gumagaling siya sa kasagsagan ng series na ito.

Gaganapin ang pinakahihintay na season finals sa Oracle Arena.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.