Pamilya ng incoming PNP Chief di pa tiyak na titira sa White House

By Ruel Perez June 15, 2016 - 08:36 PM

white house
Radyo Inquirer

Nag-aatubili umano ang pamilya ni incoming PNP Chief C/Supt. Ronald dela Rosa na lumipat dito sa Metro Manila.

Ayon kay dela Rosa pipilitin niyang sumama na sa kaniya ang asawa at mga anak upang  makapag focus umano siya sa trabaho

Iginiit ni Bato na mas mabuting malapit sa kaniya ang pamilya para hindi na umano niya iniisip ang kalagayan ng mga ito sa probinsiya.

Paliwanag ng opisyal, hindi umano niya binabalewala ang P1 Billion na pot money na pinag-ambagan ng mga drug lords na nagbabanta sa kaniyang buhay na maaring ibaling sa kaniyang pamilya.

Sa June 30 pormal nang mauupo sa pwesto bilang Chief PNP si dela Rosa at bilang pinakamataas na opisyal ng pambansang pulisya ay sa tinaguriang White House sa Camp Crame ito inaasahang titira.

TAGS: bato, dela rosa, PNP, White House, bato, dela rosa, PNP, White House

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.