Walang kinalaman si Purisima sa appointment ni Marquez

July 14, 2015 - 02:51 PM

marquez purisimaAyaw patulan ng Malacañang ang mga alegasyon na si dating police chief Alan Purisima ang nasa likod ng appointment ni bagong Philippine National Police Chief na si Police Director Ricardo Marquez.

Reaksyon ito ng palasyo sa pinalulutang na bintang ng grupong Coalition of Filipino Consumers na kaya napili si Marquez ay dahil bata ito ng matalik na kaibigan ni Pangulong Aquino na si Purisima.

Nanindigan si Communications Secretary Sonny Coloma na ang naging batayan ng Pangulo sa pagpili kay Marquez ay ang taglay nitong katangian.

Aniya sa mga hanay ng mga kandidato para sa posisyon ng police chief, hawak ni Marquez ang pinakamahusay at pinakamataas na kwalipikasyon.

Ang appointment ni Pangulo kay Marquez ay inanunsyo kanina ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas. / Alvin Barcelona

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.