Dela Rosa nagbigay ng clue sa opisyal ng PNP na sabit sa droga

By Ruel Perez June 15, 2016 - 04:15 PM

PNP HQNagbigay na ng clue si incoming PNP Chief Ronald dela Rosa kung sino ang isa sa tatlong police generals na pinagre-resign ni President-elect Rodrigo Duterte dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga at korupsiyon.

Pahaging ni dela Rosa, ang isa dito ay senior official na itinanggi niya munang pangalanan.

Kaugnay nito, kakausapin muna niya ang tatlong heneral sa sandaling opisyal na siyang maupo bilang hepe ng pambansang pulisya at harapan niyang pakikiusapan na umalis na lang sa serbisyo.

Diretsuhan aniya ang gagawin niyang pakikipagusap sa mga ito at personal na tutumbuking sila nga ang tinutukoy ni president Digong na dapat nang magbitiw kaysa ilantad pa ang kanilang katauhan sa buong sambayanan.

Sinabi pa ni dela Rosa na magiging prayoridad ng kanyang pamamahala ang paglilinis sa kanilang hanay.

TAGS: bato, dela rosa, Illegal Drugs, PNP, bato, dela rosa, Illegal Drugs, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.