WATCH: Sigaw ng mga biktima ng rape sa UV express: “Bitay sa rapist!”

By Ricky Brozas June 15, 2016 - 01:07 PM

Rape victim sa UV Express / Jun Corona
Kuha ni Jun Corona

Kinuyog ng mga kaanak ng mga biktima ang isa sa dalawang suspek na nanggahasa umano ng dalawang babaeng pasahero ng UV express sa Caloocan City.

Suntok, tadyak, at sampal ang inabot ng suspek na si Wilfredo Lorenzo, nang iprisinta ito sa media sa Camp Karingal.

Si Lorenzo ay positibo namang itinuro ng dalawang biktima na sina Justine, 21 anyos at Sharmaine, 20 anyos.

Nangyari ang insidente sa loob mismo ng UV express na heavily tinted kung saan sa salaysay ng mga biktima ay pinaikot-ikot sila sa Caloocan City sa loob ng apat na oras.

Ayon kay P/Supt. Crizaldo Nieves ng Quezon City Police District (QCPD), itinali ng alambre ang mga kamay ng mga biktima at piniringan habang sila ay halinhinang ginagahasa sa loob ng van ng dalawang suspek.

Sa bahagi umano ng Brgy. Sauyo sa Quezon City, ibinaba ang dalawang biktima na papauwi na sana nang mangyari ang insidente alas 10:00 ng gabi.

Inirekomenda na rin ng piskalya ang dalawang bilang ng kasong robbery with rape at illegal possession of dangerous drugs laban kay Lorenzo habang at-large naman ang isa sa kasabwat nito na nakilala lamang sa alyas na “Buddy”.

Umapela naman ang kapatid ng isa sa mga biktima sa mga mamamahayag at kay President-elect Rodrigo Duterte na tulungan silang mahanap ang isa pang suspek.

Nagpalabas na rin artist sketch ang QCPD ng nasabing suspek.

Nanindigan naman ang mga biktima na handa nilang ipaglaban ang kaso sabay apela kay Duterte na ipapatay na ang suspek./ Ricky Brozas

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.