Mga local officials na sangkot sa droga binalaan ng incoming Chief PNP

By Ruel Perez June 14, 2016 - 03:24 PM

Ronald Dela Rosa2
Inquirer file photo

Puntirya din umano ng incoming PNP Chief Ronald dela Rosa ang mga mayor at gobernador na sangkot sa illegal drugs operations

Ani dela Rosa, hindi niya sasantuhin ang mga ito at wala umano siyang pakialam kung ito man ay alkalde o gobernador.

Paliwanag ni Bato, walang special treatment at tatratuhin niya bilang mga ordinaryong kriminal ang sinumang local chief executive na mahuhuling protektor o direktang sangkot sa operasyon ng iligal na droga.

Paalala pa ni dela Rosa ang mga local government units na pinamumunuan ng local chief executives nga ang dapat mangasiwa sa mabuting pamamahala sa kani-kanilang mga lokalidad at hindi para maging protektor ng mga iligal na gawain ng mga sindikato.

Nauna nang sinabi ni dela Rosa na uunahin din nilang linisin ang mismong hanay ng mga pulis sa bansa.

TAGS: dela rosa, Illegal Drugs, LGUs, PNP, dela rosa, Illegal Drugs, LGUs, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.