Cavaliers, wagi sa game 5 ng NBA Finals kontra Warriors

By Dona Dominguez-Cargullo June 14, 2016 - 11:57 AM

Twitter Photo / NBA TV
Twitter Photo / NBA TV

Nagawa ng Cleveland Cavaliers na maitala sa 3-2 ang serye matapos na magwagi kontra Golden State Warriors sa game 5 ng NBA finals.

Naudlot ang nakatakdang pagbubunyi ng Warriors dahil hindi pinayagan ng Cavs na maiuwi na nila ang kampyonato.

Sa score na 112-97 nagawa ng Cavaliers na paabutin pa sa game 6 ang laban.

Matindi ang depensang ipinakita ng Cavaliers dahilan para mahirapan ng husto ang Warriors sa 3rd at 4th quarter ng laban.

Dagdag pa ang suspensyon na ipinataw kay Warriors forward Draymond Green na mayroong average na 15 points kada laban.

Kapwa nakapuntos ng tig-41 sina LeBron James at Kyrie Irving para sa Cavs. Habang nagbigay naman ng 37 points si Klay Thompson at 25 points si Stephen Curry para sa Warriors.

Dahil dito, magkakaroon pa ng game 6 na magaganap naman sa home court ng Cavaliers at kung sakaling magwawagi doon ang Cavs ay magkakaroon pa ng game 7 na magaganap naman sa home court ng Warriors.

 

 

TAGS: Cavs wins game 5 of NBA finals, Cavs wins game 5 of NBA finals

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.