Kampo ni Sen. Estrada sinisi sa mabagal na pag-usad ng kanyang kaso

By Jan Escosio June 13, 2016 - 03:53 PM

SEN. JINGGOY ESTRADA-SANDIGANBAYAN/SEPTEMBER 08, 2014 Senator Jinggoy Estrada taking a break from the hearing of his case in Sandiganbayan, Quezon City. LYN RILLON
. LYN RILLON

Naurong sa darating na Setyembre 12 ang simula ng paglilitis ng mga kaso ni detained Sen. Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan.

Ito ay matapos ikatuwiran ng panig ng prosekusyon na hindi pa sila tapos sa pagmarka sa mga ihahain nilang ebidensiya.

Ito ay pinuna ng panig naman ng depensa sa katuwiran na dalawang taon na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay hindi pa tapos sa markings of evidence.

Nahaharap si Estrada sa mga kasong katiwalian at pandarambong bunsod ng pagkakadawit sa pork barrel scandal.

Nauna nang sinabi ng defense team na halatang pinatatagal ng kampo ng mambabatas ang pagdinig.

TAGS: jinggoy estrada, Pork scam, sandiganbayan, jinggoy estrada, Pork scam, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.