Deadline sa ransom demand ng Abu Sayyaf, hanggang ngayong araw na lang

By Kathleen Betina Aenlle June 13, 2016 - 04:26 AM

abu-sayyaf-2Ngayong araw, June 13, ang isa pang itinakdang deadline ng bandidong grupong Abu Sayyaf para sa hinihingi nilang ransom kapalit ng kalayaan ng tatlo pa nilang bihag na dinukot sa Samal island noong nagdaang taon.

Tiniyak naman sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na ginagawa na nila ang lahat ng kanilang makakaya para sagipin ang dalawang dayuhang lalaki at isang Pilipina na hawak ng Abu Sayyad sa Sulu.

Ayon kay AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, hindi nila bibitiwan ang kanilang mga operasyon laban sa bandidong grupo upang mapalaya ang mga bihag.

Matatandaang naglabas na naman ng video ang grupo na pinapakita ang mga bihag nila na nagmamaka-awa na sa gobyerno, partikular kay incoming President Rodrigo Duterte na tulunga sila.

Noong April 25, pinugutan na ng Abu Sayyaf ang isa sa kanilang mga bihag na si John Ridsdel na isang Canadian.

Binigyan lamang ng Abu Sayyaf ang mga pamilya at ang gobyerno ng hanggang ngayong araw para bayaran ang P300 million na ransom para sa bawat dayuhan na hawak nila, at nagbantang kung hindi nila ito makukuha, matutulad sa kapalaran ni Ridsdel ang mga bihag.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.