Warriors isang panalo na lang ang kailangan para sa NBA crown

By Rod Lagusad June 11, 2016 - 02:48 PM

Warriors1Panalo ang Golden State Warriors sa Game 4 ng NBA Finals kontra Cleaveland Cavaliers sa iskor na 108-97 sa Quickens Loans Arena sa Cleaveland, Ohio, USA.

Lamang ang Warriors sa kanilang best-of-seven series sa iskor na 3-1 at isang panalo na lang para masusungkit ang NBA title.

Pinangunahan ni Stephen Curry ang warriors na kumamada ng 38 points para tambakan ang Cavaliers.

Sinabi ng mga basketball analysts na may tiyansa ang Warriors na manalo sa ikalawang sunod na pagkakataon sa kanilang mismong home-court sa Oracle Arena kung saan gaganapin ang Game 5 ng liga.

Sa kanyang pahayag, aminado si Lebron James na nahirapan sila ngayon sa ipinakitang depensa ng Warriors na kabaliktaran naman ng nangyari sa nakalipas na game 3.

Pero nangako ang pambato ng Cavaliers na kanilang gagawin ang lahat para harangin ang napipintong panibagong kampeonato para sa Warriors.

TAGS: cavaliers, curry, Golden State, James, warriors, cavaliers, curry, Golden State, James, warriors

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.