Marcos ililibing sa Libingan ng mga Bayani sa Setyembre

By Den Macaranas June 11, 2016 - 08:09 AM

Ferdinand-Marcos-0922
Inquirer file photo

Kinumpirma ni incoming President Rodrigo Duterte na nag-usap na sila ni Sen. Bongbong Marcos kaugnay sa paglilibing  sa Libingan ng mga Bayani ni Dating Pangulong Ferdinand Marcos sa buwan ng Setyembre.

Sa isang ambush interview kay Duterte kaninang umaga sa Davao City, sinabi ni Duterte na bahagi ito ng isinusulong na unity ng kanyang administrasyon.

Bagama’t hindi pa pormal ang nasabing pag-uusap, sinabi ni Duterte na sigurado na ang buwan ng Setyembre base sa kanilang pag-uusap ni Sen. Marcos.

Nauna nang sinabi ng mga maka-kaliwang grupo na haharangin nila ang anumang pagta-tangka na mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang dating lider ng bansa.

Taliwas naman ito sa pananaw ni National Democratic Front founding chairman Jose Maria Sison na walang masama kung mailagak sa nasabing libingan ang mga labi ni Marcos.

Sa kanyang paliwanag, nauna nang sinabi ni Duterte na bilang isang dating miyembro ng militar at lumaban sa mga Hapon noong World War 2 ay ayos lang na mailibing sa Libingan ng mga Bayani ang dating Pangulo.

TAGS: duterte, libingan ng mga bayani, Marcos, duterte, libingan ng mga bayani, Marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.